Mga Pahina

Huwebes, Marso 13, 2014

#First day of 4th Periodical Test

(Marso 13,2014,Huwebes) 
          AMEN ! whoo ! Thank you Lord.Four down four left. So far maayos naman yung results ng mga exams ko. Salamat po ng marami.Hayyy ! okay na rin talaga yung hindi ka gaanong nageexpect. Nawa’y bukas maayos rin ulit. Kamusta kayo III-Diamond? konting kembot nalang kaya natin yan :D
          Pero, hindi rin gaanong masaya ngayon. Nakikita ko yung kaibigan ko na masaya outside where infact na gustong gusto na nyang umiyak. Sana maayos na kung anong problema nya. Maraming tao ang hindi sanay na nakikita syang ganyan. Tapos wala rin ako sa mood ngayon, ayoko ng maraming kausap. Gusto ko tahimik lang. Ang weird weird ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit -,-. Para bang ang dami kong iniisip na wala naman akong naiisip. Nababaliw na ata ako eh. Ni hindi ko mangitian yung iba na bumabati sa akin basta tinitingnan ko lang sila.
          Pagkauwi ko naman, ganun pa rin. Hindi ako tulad ng dati na pagkauwi daldal agad kila ate kung anong kalokohan ang naganap sa isang araw. Hay ! ewan ko ba talaga hindi ko na alam. Hindi naman ako masaya o kaya’y malungkot. Parang sapat lang na kulang. EWAN talaga! hindi ko maintindihan wala rin naman ako ngayon :///

          Magrereview rin pala ako ulit mamaya. Naramdaman ko naman na kahit paano eh may silbi yung ginawa kong pagrereview kagabi. Pasensya kana kung ganito ako ngayon ah :I hindi ko rin kasi alam talaga kung bakit. Hindi man lang ako makapagkwento ng bonggang bongga dito. Kinakabahan rin ako para bukas. Yung sa #SkipBeat nga pala :D, syempre kinikilg ako pero nakatago sa loob hehehe -,-

#Emeged !!!!! Part II

(Marso 12,2014,Miyerkules) 
          Yay ! Miyerkules na :D. Periodical na namin bukas -,- Lord sana po makapagtest ako ng maayos. Sana may kaalaman sa utak ko :I. Hmp ! gabayan nyo po kaming lahat :D
          Eto na nga, bago na yung room namin. Syempre, dapat naman mahiya na kami sa ingay namin kasi mga 4th year teachers na yung nandoon. Mixed emotions ako nung A.P time namin, paano ba naman nagkontrapelo yung mga nakapagpasa ng notebooks sa hindi. Pano ba naman kasi sinabi naman na ni Ma’am Cabrera yun na ipapasa sa Martes. Ang ikinagagalit nung iba eh hindi daw isinabay yung sa kanila. Kamusta naman? Hindi kasi sila nakikinig eh ! puro lang sila ingay hindi nila pinapakinggan yung mga nagcollect ng notebooks. Tapos sisihin nila yung nakapagpasa. Nakakainis talaga >.<
          HAHAHAHA :D
          May isang nangatwiran, nalito daw siya sa pagpasa ng notebooks. Syempre, tiningnan namin siya. Bakit naman sya malilito sa ganun ?. Sabi nya kasi sabi daw ni Toledo “Uy, ipapasa daw yung nutbuk sa e.p”. Kaya akala daw nya yung sa Values ipapasa o pala “Ipapasa yung notebook sa A.P”. Haha :D nakakalito nga ! bisaya daw kasi yung nagsalita.
          Wag kang ano UY ! ikaw yun, HAHA :D hindi naman sa ano ha ? pero LAUGHTRIP talaga kami nun ! si Erin ba naman magkwento sayo eh alam mo namang HAHAHAHAHA :D.
          Habang nagtatype ako tinitingnan ako ng ate ko kung bakit ako tumatawa. Siguro sa isip isip nya, “Mung-ewan tong bruhang to”. Natatawa kasi ako pag naaalala ko eh ! HAHAHAHA :D. OO nga naman kasi malapit yung A.P sa E.P HAHAHA :D. Tapos tinanong kami kung anong lesson sa pangyayari na yun. May sumagot, (Wag daw makikinig sa bisa*a). Amp ! HAHAHAHAHAHAHA :D ewan ko nakakatawa talaga yung mga pangyayari kanina.
          Pagkauwi ko naman wala sila mama. Si ate Marj lang yung naiwan. Hindi man lang ako isinama :’( pumunta sila kila Lola. Yan ! nagfoodtrip nalang ako :D. Tapos nakatulog pala ako kasi tahimik hindi maingay si Mama. Walang atatatatatatatata ! Pero syempre, hindi ako sanay nu?!. Kahit maingay yan lablab ko yan HAHA :D. Hindi ako nakanood ng #SkipBeat, mag-aalasais na ng nagising ako, tapos nanonood pa si Kuya ng Volleyball. Finals na kasi eh, DLSU po ako J.

          Pagkauwi nila mama, back to normal. (Atatatatatatata) Hayyyyyyy ! magrereview pa pala ko KUNO ? hehehe. Bye na ha :D, wala akong kaikwento ngayon eh ! mwaaa :’**

#Emeged !!!!! Part I

(Marso 11,Martes) 
          Hello there ! :D hayyy ! nakakapagod ngayong araw. Malapit na rin yung 4th Periodical Test. Kota kami ngayong araw sa chem, maraming time na wala sa ibang subject. At mataba pala ako ? hahahahahaha :D sarap ng puri ni Ma’am Cerilo. Okay lang yun kasi ibig sabihin may pagkain may blessings :D. Malapit na kami magkawatak-watak. Kapag naririnig ko yung “qualifying exam for the pilot section nextyear” achuchuchu keme keme. Hayyy ! parang ang hirap, kaya ko kaya ?. Pero ayos lang naman kung hindi ako mapupunta dun J Im not expecting that much naman kasi eh. Hmp ! J.
          At may balitang malupit, magma-migrate nanaman ang mga dyamante :D. Iba nanaman ang room namin. Doon na sa building ng 4th year. Lord, may you always be with us. Wala akong ideya kung anong magiging lagay ko sa 4th year J.
          Pagkauwi ko nakatulog pala ako agad, baka inantok ako ? HAHA :D. Tapos nagising na ako nung #SkipBeat J. Nararamdaman ko na kasi yung awra ni Siwon eh XD. Ano pa nga ba eh pampam-goodvibes kaya yun :P. May mga Korean Novela talaga na minsan eh talagang pinapanood ko yung iba naman hindi ko talaga nakahiligan. Tapos susundan ng Annaliza ?! nasaan ang hustisya ? HAHA :D. Nakadadala kasi ng emosyon tong Annaliza eh , pati uh*g mo hindi makakalusot HAHA :D pasintabi :P. Hayy nako Emeged talaga ! (O.o) ay ! maghuhugas pa pala ako ng plato. Aayusin ko na rin yung mga gamit ko at ibang bagay na dapat kong gawin.
          Hey ! are you listening ?
Blog: HA ? Oo naman ! (*.*)
          Bakit ganyan ka ? J
Blog: KINIKILIG kasi ako kay Siwon eh ! hihi :’*
          Ay ! GANERNNN ? ! Babae ka pala ? hahaha :D CHARAUGHT !!!!!!!!!!!
Blog:  Tingin mo sakin ? ;(
          HAHA :D sungit ah ? malay ko ba ? JOKE :P. Oh sige na nga, bye na ha ! may gagawin pa ako. Mamatay ka sa kilig mo dyan wahahahaha :D

Blog: Hmp ! whatever ! (Siwon is <3)

#Hayyyyyyy ! Buhay :’D

(Marso  10,2014,Lunes) 
          Blog: ANO NA !!!!!!!!!!!!!! Mabuti nama’t nakaramdam ka pa ! ;(
Ano ba naman tong si blog ko oh ? ang sungit naman. Hindi man lang sumalubong ng maayos. Hindi man lang nagpa-banner at nagpa parada HAHAHA :D. Hindi mo ba akalaing nandito pa ako sa mundong ibabaw mo? HAHAHAHA :D. Alam na pag ganito. Pasensya naman at hindi ako updated ng very very hard. Wala kasi akong masyadong oras lalo na’t minsan lang mauwi si laptop dito sa bahay J. Hindi naman ako nagpupunta sa shop kapag walang masyadong gawain sayang kasi ang oras at pera ko J Hihi.
Blog: So pang vacant time lang ako ganun ?!
          Hindi naman. Kumbaga kasi eh marami pa akong importanteng ginagawa lalo na’t malapit ng matapos ang schoolyear. Syempre, portfolio dito,portfolio dyan. Assignment dito, assignment dyan. Basta marami kasi -,-. Pasensya na daliiiiiiiiiiiiiiiiiii. HAHAHA :D. At nagroundtrip kasi ako kaya halos isang buwan akong wala :P. Roundtrip sa sakit, kaya madalas wala ako sa mood.
          Kekwentuhan nalang kita sa nangyari ngayong araw para masaya J. Alam mo ba ? Alam mo ba ? Alam mo ba ?
Blog: Hmp ! Ano ?
          Nagbalik na si Vhong sa Showtime haha :D wala lang share lang. Syempre nga pala, Lunes ngayon J may pasok kami malamang. At infairness to me. MAAGA ako ngayon. Ayaw ko kasing malate pag Flag ceremony hehe. Konting tiis nalang eh, hindi ko na maririnig yung ingay ng mga dyamante :I sobrang sakit kasi sa ulo. Parang yan na rin yung dahilan kung bakit naistress na rin ako :I. Okay lang naman yung magkwentuhan pero very very light lang. Pero syempre, I will not deny the fact na masaya na rin minsan :D. LAUGHTRIP kasi ako kay Calims BWAHAHAHAHAHAHAHAHA :D oopss. Kasi naman saan nya ba nabili yung katapangan niya sa ganun at makabili nga ng sampu HAHA :D. Kilig to the fats yung madlang dyamante. Hindi naman ako ganoon kinilig sa totoo lang, natatawa lang talaga ako sa mga naririnig at nakikita ko lalo na kay Ma’am HAHAHAHA :D. Ang cute ni Ma’am pag natalon ng ganun. Sana ganun nalang lagi hehe :I #PEACEYOWMA’AM. AHAHAHA basta nakakatawa kasi eh, ayaw ko naman humagalpak sa tawa kaya sinasarili ko nalang HAHAHAHAHA :D (sa tyan ko lang XD) . Pero namention pa ako kanina -,- doon sa nakagawa ng review. Ayos lang kaya yun ? hmmmmmm…
Blog: Hindi mo naman siguro namiss magkwento dito nu ?!
          Haha :D eh kasi naman ang dami naman talagang namiss dito J. At baka mamiss ko rin yung grade ko pag nagkataon HAHA :D
Okay bye blog J
Blog: oh?! Baka amagin nanaman ako nyan dito ha !
          Amp ! hahahaha hindi naman XD ..

Manonood lang ako ng #SkipBeat <3. Ang pogi ho ni Siwon diba Ma’am hahaha ! :D.

Linggo, Marso 9, 2014

Pagsusuri ng Akda: “A Letter for my Daughter” -Vangie Provido

“Becca, stop treating your dad like that. Mamaya magsisi ka pag nawala na siya sayo.” – Andrei.
Isa sa mga linya sa akdang “A Letter for my Daughter” sa panulat ni ALYLOONY na nagpapaalala sa atin na nararapat bigyang halaga ang ating magulang. Ang akdang ito ay tungkol sa walang hanggang pagmamahal ng isang ama at pagtanggap sa isang tao ano man ang kanyang katayuan sa buhay. Kung paano magbigay at mabigyan ng importansya mula sa iba.
       Araw-araw na lamang ay inis sa kanyang buhay si Becca. Dalawa na lamang sila ng kanyang ama. Lagi pa itong wala sa kanila dahil lagi nitong inaatupag ang trabaho. Lagi itong nagagalit dahil hindi maibigay ng ama ang kanyang mga luho. Madalas umuwi ng hatinggabi ang kanyang ama. Kumakatok sa kanyang silid at nagsasign-language. Kung minsan ay nasisigawan niya ito sa kadahilanang hindi niya ito maintindihan at naiistorbo ang kanyang pagtulog. Walang balak si Becca na intindihin ang kanyang ama. Kada umaga, nadadatnan niya ang kanyang ama sa hapag-kainan habang nagsusulat sa kanyang notebook. “Wala na nga akong matinong tatay, wala pa akong matinong pagkain”, minsa’y nasambit pa ni Becca. Nakararamdam siya ng inggit sa kanyang mga kamag-aral. Bagama’t nasa magandang paaralan siya, wala naman siyang gamit na kasingganda ng mga gamit ng kanyang kaklase. Minsa’y pumasok na rin sa isip niyang magpa-ampon na lamang sa iba. Isang araw ay nagpabili siya ng laptop sa kanyang ama. Sumulat ang kanyang ama sa notebook nito, “Sorry anak, wala pang pera si daddy eh”. Sagot niya’y inaabot ito ng magdamag sa trabaho pagkatapos ay walang pera. Dito na nag-umpisang masabihan ng masasakit na salita ni Becca ang 
kanyang ama. Halos isang buwan niyang hindi ito pinansin. Madalas lamang itong magsulat sa kanyang notebook. Ginagawa pa rin niya ang kanyang nakasanayan na halikan ang noo ng kanyang anak tuwing siya’y uuwi. Nagkaroon si Becca ng isang mayaman ngunit may pagkabastos na kasintahan. Si Andrei. Lahat ng kanyang luho ay naibibigay nito maging ang hiling niyang laptop sa kanyang ama. Pumunta sila sa bahay ni Becca. Wala namang tao roon katwiran ng dalaga ng tanungin ng kanyang kasintahan. Ngunit laking gulat niya na maagang umuwi ang kanyang ama. Sinabi nitong siya kasi’y nilalagnat. Ipinakilala niya si Andrei, “Nice meeting you po”. “Pipe yan! Hindi ka masasagot niyan” tugon ni Becca. Paakyat sila ng kwarto nang magsign-language ang kanyang ama. Sinabi ni Andrei na tinatanong sila kung anong gagawin nila sa kwarto. Laking gulat ni Becca nang maintindihan ni Andrei ang kanyang ama. Inirapan lamang niya ito at hinila paakyat si Andrei. Batid ni Andrei na ayaw ng ama ni Becca ang mangyayari. Ngunit sinabi ni Becca na siya na lamang ang kaligayan nito. Pagkagising ay nakokonsensya si Andrei dahil narinig niyang umiiyak ang ama ni Becca. Ngunit, sinabi niyang wala siyang pakialam sa nararamdaman ng ama. Natahimik na lamang si Becca sa sinabi ni Andrei. Pebrero na at magkakaroon ng JS Prom. Masayang niyakap ni Becca ang kanyang ama dahil may pera ito at maibibili siya ng magandang damit. Kinabukasan, agad-agad siyang bumaba. Napansin niyang nagsusulat ang kanyang ama na may pasa at sugat sa mukha. Hinanap niya ang damit, ngumiti ang kanyang ama at inilabas ito. Nagalit si Becca dahil hindi iyon ang damit na gusto niya. “Wala kang kwentang ama!”, “Lagi mo nalang akong pinapaasa”. Sa pagkakataong iyon ay ngayon lamang siya napagbuhatan ng kamay ng kanyang ama. Napahawak sa pisngi habang umiiyak. Tumakbo palabas si Becca, nang may isang kotseng papalapit sa kanya at siya’y napapikit. Sa hindi inaasahan, may kamay na tumulak sa kanya palayo. Nakita niya ang kotseng bumangga sa poste at ang duguan niyang ama. Dead on arrival na ito ng dalhin sa ospital. Naisip niya na napakabilis ng mga pangyayari, kanina lamang ay nakaupo ang kanyang ama sa hapag-kainan. Nagulat siya ng Makita niya ang pangalan niya sa notebook ng ama.
       “Dear Becca,
Nung ipinanganak ka ng mommy mo, ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Nakakalungkot isipin na iniwan tayo agad ng mommy mo dahil sa panganganak niya sayo. Pero ipinangako ko sa kanya na aalagaan kita kahit anong mangyari. Alam mo ba na kamukhang kamukha mo siya?. Pareho kayaong may magandang ngiti at mata. Kaya naman natutuwa talaga ako kada makikita kitang ngumingiti at masaya.
Anak, mahal na mahal ka ni daddy. Alam ko na nagtatampo ka sakin dahil hindi kita halos nakakasama. Kailangan ko kasi talagang magtrabaho maigi eh. Sa araw, nandun ako sa construction site at nagtratrabaho bilang construction worker. Sa gabi naman bilang isang security guard ng banko. Pasensya kana ha? Kailangan kong gawin to para mapagtapos kita ng pag-aaral sa isang magandang iskwelahan. Pero anak, wag mo sanang isipin na kinalimutan na kita kasi mahal na mhal na mahal kita. Gabi gabi ko yan sinasabi sayo. Kada uuwi ako, ginigising kita para lang sabihin sayo kung gaano kita kamhal. Nakakalungkot lang at hindi mo ako maintindihan. Sana hindi nalang ako naging pipe para masabi ko ito sayo araw araw.
Anak patawarin mo ko dahil hindi ko nabili yung laptop na hinihiling mo sakin ha? Walang pera si daddy eh. Di bale mas hahabaan ko ang oras ng trabaho ko para maibili kita ng laptop. Ok lang magkasakit ako anak, mapasaya lang kita.
Anak naibili ka na pala ng boyfriend mo ng laptop. Di bale mas maganda naman yung mabibili niya doon sa pera niya. Itatago ko na lang itong perang naipon ko baka sakaling may ipabili ka, maibigay ko na sayo. Natutuwa din ako at nakahanap ka ng lalaking mamahalin mo. At least bukod sakin, may magbabantay na sayo.
Anak bakit mo ginawa ang bagay na yun? Masyado ka pang bata. Natatakot ako na baka mamaya mabuntis ka. Sa kabilang banda naiinis ako sa sarili ko dahil simpleng salita na wag mong gawin yan ay hindi ko masabi sayo dahil sa pipe ako. Patawad anak. Alam ko pag may nangyari sayo ako ang may kasalanan. Patawad.
Anak natutuwa ako dahil masaya ka ngayon. Maibibili kita ng damit na gusto mo galing sa naipon kong pera. Salamat anak at niyakap mo ako kanina. Tuwang tuwa ako nun. Mahal na mhal ka ni daddy.
Anak patawarin mo ako dahil hindi ko nabili yung damit na gusto mo. Nahold-up ako. Nagmakaawa ako at nanlaban sa mga holdaper para hindi nila makuha yung pera ko na pambili ng damit mo kaso ginulpi lang nila ako. Wala silang puso. Umiyak ako sa harap nila pero kinuha pa rin nila ang pera ko. Patawarin mo ako anak at eto lang ang nabili ko. Nangutang lang ako para marentahan ang damit na ito. Alam ko magtatampo ka sa akin pero anak sana patawarin mo ako. Mahal na mhal ka ni daddy.”
Halos hindi na mabasa ang ibang sulat dahil sa patak ng luha ni Becca. Doon ay napagtanto niya kung bakit hindi niya ibinalik at ipinakita ang pagmamahal sa ama matapos ang lahat ng bagay na ginawa nito para sa kanya.
Talaga namang lutang ang malungkot na damdamin sa akdang ito. Habang ginagawa ko ang pagsusuring ito ay hindi ko napigilang hindi lumuha. Nakaaantig ang mga nilalaman nito.
Maraming aral ang mapupulot dito. Dapat tayong matutong magpahalaga sa mga taong nagmamahal at nag-aalaga sa atin. Hindi natin masusukat sa mga materyal na bagay ang kagandahan ng buhay. Hindi dapat natin tingnan ang kakulangan ng isang tao bagkus ay ang mga magagandang bagay na naibabahagi niya sa atin. Dapat din nating matutunan kung paano magtimbang ng bawat desisyon. Pahalagahan natin ang mga bagay na mayroon tayo maliit man o malaki.
Gayun pa man, nais kong magpasalamat sa may akda nito (Alyloony) isa itong makabuluhan at magandang akda na siyang magmumulat sa bawat isip at puso ng kabataan. Ang akdang ito ay para sa lahat upang mamulat tayo sa katotohanan. Upang bigyan natin ng puwang sa ating puso at isipan ang salitang “Pagpapahalaga”.

Pagsusuri ng Korean Novela: “The Gentleman’s Dignity”-Vangie Provido

“There is something I learned in my life. You can never know when happiness is coming. But you can tell when sadness is about to come.” - Seo Yi-Soo.
 Isa lamang ito sa mga linyang tumatak sa aking puso at isipan sa Korean Novela na “The Gentleman’s Dignity” sa direksyon ni SHIN WOO-CHUL. Ipinapakita ng pelikulang ito ang iba’t ibang karakter ng apat na magkakaibigan mula sa kanilang kabataan hanggang sa tumuntong sa edad na kwarenta. Ang kanilang karanasan pagdating sa pag-ibig,tagumpay at pagkabigo.
       Si Kim Do Jin (Jang Dong Gun) ay isang supladong nagmamay-ari ng isang architectural firm kasosyo ang isa sa kanyang matalik na kaibigang si Im Tae-San (Kim Soo-ro). Si Kim Do Jin ay may problema pagdating sa pagkawala ng kanyang ala-ala. Araw araw ay gumagamit siya ng voice recorder pen upang maalala niya ang ilang importanteng bagay na kanyang ginagawa. Nang makilala niya si Seo-Yi-soo (Kim Ha-Neul) – isang Ethics teacher ay umibig sya rito. Ngunit, sa hindi inaasahan ay nalaman niyang may gusto ito sa kanyang kaibigang si Im Tae-San. Ginawa niya ang lahat upang makuha ang puso ni Seo Yi-Soo. Si im Tae-San ay kasintahan ni Hong Sera (Yoon Se-Ah) at roommate ni Seo Yi-Soo. Nagkaroon ng alitan ang dalawa nang malaman ni Hong Sera na may gusto si Seo Yi-Soo kay Im Tae-San. Samantalang si Choi Yoon (Kim Min Jong) ay isang abogadong nais makalimot sa pagkamatay ng kanyang asawa. Pinipilit niyang huwag mahulog sa nakababatang kapatid ni Im Tae-San na si Im Meari alang-alang sa kanilang pagkakaibigan. Si Im Meari ay bumalik ng Korea pagkatapos mag-aral sa America ng bag designing. Matagal ng may gusto si Im Meari kay Choi Yoon kahit pinagbabawalan siya ng kanyang kuya at sinasabing bata pa siya para kay Choi Yoon. At si Lee Jung-Rok  (Lee Jong-Hyuk) ay kasal sa kanyang mayaman at napakaistriktang asawang si Park Min Sook (Kim Jung Nan). Ngunit, si Lee Jung Rok ay may pagkababaero na naging dahilan ng madalas nilang pag-aaway at sumubok sa tiwala nila bilang mag-asawa. At sa hindi inaasahan, isang binatang nagngangalang Colin (Lee Jong-Hyun) ang bumalik sa Korea upang hanapin ang kanyang ama. Batid niyang isa sa apat na magkakaibigan ang kanyang tunay na ama.
       Sa bawat pagganap ng tauhan, lubos ko silang hinahangaan sa kadahilanang kayang-kaya nilang kontrolin ang mga emosyong dapat mangibabaw sa kanila sa bawat eksena. Angkop rin ang mga tagpuang ginagalawan nila sa pelikula.
       Nilapatan din ito ng ilang musika na angkop sa bawat eksena tulad ng nakakalungkot,nakakakilig,nakakatawa at iba pa. Nakatulong ang mga musikang ito upang lumutang ang mga damdamin tungkol sa pelikula. Talaga namang kinilig ako sa kanilang kwentong pag-ibig. Kahit sila ay mga tauhang may malaking pinagkaiba sa mga gumaganap na mga kabataan. Nakadadala rin ang pagpatak ng kanilang mga luha sa oras ng kanilang pagkabigo. Ngunit, napapalitan din ng saya sa mga eksenang sadyang katuwa-tuwa. Pagdating naman sa dayalog ng mga tauhan, malaking tulong ang naibibigay ng English at Tagalog translation upang mas maunawaan pa ang mensahe nito.
       Maraming aral ang makukuha sa pelikulang ito. Kung paano harapin ang bawat problema. Kung paano bumuo ng tunay na pagtitiwala. Kung paano abutin ang mga pangarap sa maraming paraan. Kung paano bumangon sa likod ng mga kabiguan. At kung paano magmahal ng may paninindigan.
       Ang pelikulang ito ay para sa lahat. Para sa mga taong nais matutong manindigan at magtiwala. Talaga namang hindi matatawaran ang Korean Novela na ito para sa akin. Isa itong makabuluhang palabas. Mahusay ang pagkagawa nito at angkop rin ang mga kilos at tauhang nagsipagganap.

       “On that day, we couldn’t reach the conclusion whose hero is the strongest. And today when we are 41 years old, we can protect neither the Earth nor the women we love. We are now just the anti-heroic men, struggling with everyday life. Those boys who wanted to become heroes… where did they all go? Whose heroes can we become at the end?”- Do Jin.

Lunes, Marso 3, 2014

#Nasimulan mo na bang Magpapayat?

(Pebrero,4,2014,Martes) 
          Hayy ! Oo nga pala. Sabi ko pala sa sarili ko na simula lunes eh, magpapapayat na ako. Hindi kasi nagkasya yung isang gown na susuotin ko para sa JS. Mejo masikip :// nakakapanghinayang naman kung hindi ko magagamit.  Nakakatukso talaga ang pagkain :DDD lakas mang-akit. Konti konti nalang ang kinakain ko. Mga dalawang gatang ng kanin. HAHA :D Keme :P. Pwera biro, pipilitin ko talaga. Malapit na ang pisting >.< 14. HAHA :D.
          Pag katabi ko talaga sila, ang dami ko palaging tawa (mga dalawa XD). Hayy ! tungkol nga pala sa SSG. Naguguluhan na talaga ako. Palagi ko nalang naririnig yung “Ate Vangie ! tatakbo ka ? iboboto ka namin !”. Salamat sa suporta nyo , nakakaloka lang talagang magdesisyon para sa sarili ;///. Bahala na.
          Eton na, Filipino na ! :D Ang saya saya HAHA :D. Patalo yung bangkang papel eh ! Flat ? paano lulutang yun ! AHAHA :D. Magiging Titanic lang ang peg nyan XD. Tapos tinalakay namin yung akdang “Bangkang Papel”. Hindi man namin tapos, bakit may bukas pa naman ha ! :P HEHE.

          Eto na ! ;(((( Na-imbyerna ako ng T.L.E na, maganda naman ang talakayan namin kaso, mga aktibo tong mga dyamanteng ito. Ang ingay kasi, kaya pag-uwi ko nakasimangot ako eh ;//.

#HAHA :D Ang Saya ! Saya :D

(Pebrero,3,2014,Lunes) 
          Kamusta na ? HAHA L naburo ka nanaman ? pasensya na talaga L. Lunes nanaman J, kaya’t kailangan  nanamang gumising ng maaga. Ayaw ko ng malate sa Flag Ceremony, chararat na sermon nanaman ang aabutin ko pag nagkataon. Kaso, masyado naman akong maaga J HAHA :D ilan palang yung nasa room ng dumating ako. Buti nalang Goodvibes ako ngayon, pag Lunes kasi eh, madalas Highblood ako >.< ! yung mukha ko eh, parang pinaglihi sa sama ng loob.
          Ang saya rin ng mga talakayan ngayon, HAHA :D dami kong tawa sa mga nangyayari.
Nung Filipino namin J. Nagkaroon kami ng Gawain J. Kung saan, bibigyan namin ng pagkakakilanlan ang  aming mga kaibigan. (May kaugnayan sa Teoryang Saykolohikal). Hayyy ! ang dami talagang nagyari ngayon. Hindi ko na alam basta, masaya ! :DDD HAHA :D. Atat akong umuwi alam mo ba kung bakit ? J.
Blog: ?????
          Pupunta akong Korea, este Eastwood. :DDD
Blog: Oo, Eastwood J (Doon sa kahoy-kahoy) :P
          Wow ! ha ! ang literal mo naman masyado. Sa Eastwood talaga doon sa Libis. Kami nila ate Pam,Marj. Sinamahan namin si kuya Gabby. Magpapasa kasi sya ng requirements nya para sa trabaho nya. Salamat Lord J. Habang nandoon sya sa office nya, naglibot-libot muna kami nila ate. Selfie’selfie syempre :D. Nakita pa namin doon si Williams.
Blog: Williams ? ! oh no ? ang dami nyan ah ? may “S”.
          Ay, -__-. Si Williams ! yung basketball player. Kung ano-ano nanamang nasa kokote mo eh nu?!. Mga hapon na ring natapos si kuya. Dumiretso kami sa Jollibee para kumain. Tapos umuwi na rin kami agad-agad. Nakakapagod man ngayong araw, sulit naman kasi masaya :D. Maraming salamat Lord J mwaa :’**.
Syempre, pasensya kana blog ha ? alam mo namang ano eh --__-- !
Blog: Hindi ! pinapa-amag mo ako eh ! ;( Kota kana sakin ;(
          Eto, naman pakiintindi nalang ako ! sige try mo kayang magblog ng walang computer ha ! ;)))

Blog: Okay. Bye ! :DD