Mga Pahina

Huwebes, Enero 23, 2014

#Ah,Eh,Ih,Oh,Uh -_-


(Enero 23,2014,Huwebes) 
          Yes naman ! Biyernes na bukas :D (Friday is <3) HAHA :D. Excited lang eh nu. Hay ! pinasok nanaman kami ni Sir Cagnayo, tinanong na kung sino ang partner namin :/. Hindi ko pa nga nakakausap yung kaibigan kong section IV eh. Hmp! Di bale nalang :/. Maganda naman yung mga nagiging talakayan namin. HAHA :D tawaness kami ni Erin eh. (Pag malapit na kasi matapos ang English, magbibigti na kami). Pero salamat naman at naunawaan namin yung aralin sa (you know, HAHA:D) kahit papaano J. Nabuhay kami ng matiwasay kahit saglit lang. HAHA :D. Ang saya rin ng A.P namin. (Neokolonyalismo) kumbaga, ito yung hindi direktang pagsakop  ng isang bansa sa iba pang bansa. Hal. Yung mga buhok ng K’POP, ginagaya na natin, ibig sabihin naapektuhan yung kultural na aspeto sa atin kahit walang nanakop ng direkta. Explain paba ? wag na po ! Labyou ! HAHA :D. Sa fil naman, nagkaroon kami ng gawain :D tungkol sa akdang “Ang Kalupi” ewan ko ba kung bakit masaya kami nung mga oras na yun :D HAHA :D. Kaso, nung TLE na namin, grabe ! nakakadurog ng puso. Palagi nalang kasing magulo yung klase namin L. Nakakahiya na talaga kay Ma’am Hannah. Talagang mabait sya, hindi nya kami hinihigpitan kung kayat ganoon yung nangyayari L. Nasermunan nya kami, hindi ko naman sya masisi kung bakit nakapagsalita sya ng mga ganung bagay. Nakita ko sa kanya na nanliligid na yung luha sa mga mata nya. Nahihiya talaga ako sa kanya. Hindi ko lang naman maintindihan kung bakit ganoon yung klase namin pag TLE. Sobrang gulo talaga nya. Sabi ni Ma’am ayaw nya ng may umaawat pag may maingay “Provido, hayaan mo sila, wala ng mag-aawat”. Yung pakiramdam na nahihiya ka para sa inyong lahat. Nakakabastos na rin kasi talaga minsan. Sa totoo lang eh hindi ko gusto yung section ko ngayon. Sabihin na nating section I pero bakit ganun ? hindi makaunawa kung minsan. Bigla nalang umalis si Ma’am ng walang pasabi. Pakiramdam ko, gusto nyang isigaw lahat ng galit nya sa section namin. Hindi naman kami perpektong mga mag-aaral pero sumosobra na rin kung minsan. Pasensya na talaga kay Ma’am Hannah L. Sa sobrang pagaalala ko, bigla nalang nanikip yung dibdib ko, bigla akong umubo at namumula. Hindi ko nalang ipinaalam dahil ayaw ko pang dumagdag. Binigyan nalang ako ng tubig at inasikaso ni Judy. Pag-uwi ko nakatulog ako agad, dahil hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Oh, sya hanggang dito lang muna ha ? L. Ma’am Hannah Sorry po L. Ang dami talagang gumugulo sa isip ko ngayon L.

#Nakakatamad-_-


(Enero 22,Miyerkules) 
          Hayyy ! Ang bilis ng araw (buti nalang HAHA :D). Ang lamig talaga ng panahon ngayon. Nahihiya na nga si DECEMBER sa lamig ni JANUARY eh. Hindi ko alam kung bakit tinatamad ako ngayong araw na to. Sumabay nanaman yung sakit ng ulo ko. Ang laking istorbo talaga :X.
          Tapos, si Sir Cagnayo pumasok sa room namin. Tinanong nya yung mga tatanggap ng responsibilities para sa JS. Nagtanong pa sya kung may mga Boyfriend/Girlfriend pa kami. Syempre ! WALAAAAA ! Hangin lang ang meron HAHA :D. Maghanap na daw kami ng partner namin . Yung pogi daw para may kasama kami sa araw na yun. JUSKOO ! San ako maghahagilap nun ?! San ako dadampot ?! HAHA :D. Bahala na, kaya ko naman maglakad mag-isa. Pero pwede rin namang may bumagsak o mahulog na gwapo sa harapan ko sa araw na yun diba?. HAHA :D Arte pa ba ?
Blog: Wala ! ipot ang babagsak sayo ! HAHA :D.
          Hmp ! Hindi naman dapat problemahin yan, HAHA :D bahala na talaga. Maayos naman ang talakayan ngayon, yun nga lang eh pinatayo kami nung TLE Time ! Grabe kasi yung ingay sa room eh !. Ang LUPETTTT talaga ng Diamond. Sa lahat ng pinaparusahan sila lang yung masaya. Hay ! Ewan ko ba ;/. May seminar pa ng mga iskolar ng ala-una. Eh, hindi ako pumunta eh. Sumasakit kasi bigla yung ulo ko. (Sarap biyakin :’XX). Umuwi na lang ako, pinipilit kong wag matulog pero nakaidlip pa rin ako. Hayy ! buhay nga naman. Dami ko pa talaga gagawin. Maghahagilap pa ako ng dress ko :/. Kukunin pa sa baul HAHA :D. Oh, sya masakit talaga ulo ko eh ! ;X wala na akong masabi. Bye ! Salamat :’**.

#AngSakitKagabi


(Enero 21,2014,Martes) 
          Hellooooo ! :D Blog, eto na ! oh ? diba nakapag-update ako  ngayon J. Tampo pa ba ? HAHA :D. Alam mo, tama talaga yung kahit sobrang saya mo, mapapalitan din ng kalungkutan :’(. Nagbukas kasi ako ng twitter ko kagabi. At hindi ko nagustuhan yung mga nababasa ko. Tsk ! tungkol lang naman yun sa kaibigan ko na taga doon !!!!!!!!! sa malayo. Hindi ko alam kung ano ba yung naramdam ko ng mabasa ko yung mga tweets na yun. Hindi ko kasi kilala yung ka-tweet nya eh. Dahil dun, hindi ko sya nagawang kamustahin. Aminin ko pa ba ? Wag na ! HAHA :D. Basta :/ na-olay talaga ako kagabi eh.
Blog: Lubid ! Lubid ! :P :P :P
          Ha ? Anong lubid ! lubid ka jan ?
Blog: Bigti na friend ! HAHA :D </3 awtsu :P :P :P
          Sige pa ! L asar pa ! sayo na nga lang ako nagkwekwento pambasag trip ka pa ! pero wala na yun  kalimutan mo nalang ;(. Basta ito lang masasabi ko, “Kung sino yung NAGPAPASAYA SAYO maaaring sya rin ang MAGPAPALUNGKOT SAYO”.
Blog: Huwag mo sakin sabihin yan ! Kwento mo sa SARILI MO ! HAHA :D
          O-lay ka talaga eh nu ?! ;(. Hmp ! Ibang kwento nalang nga. Oy ! Hindi po ako “BROKEN HEARTED” ha J . Pag ganito “</3” durog puso agad ? HAHA :D J. CRASHED’CRASHED lang muna este CRUSH’CRUSH. Ngayong araw eh, epic ata ako ! napagalitan ako ng kuya ko anong oras na akong bumangon. Eh malamig kasi eh, tulog pa ! HAHA :D. Pero syempre naman maayos pa rin akong pumasok nu J. Tapos nung Mapeh na namin, ayun salamat naman at nakapagpractical test na kami. Bawas gawain ahehe J. Kahit papaano naman eh, masaya NAMAN ? ang araw na to. Yung Filipino din namin masaya J. (Anyare ba nun?HAHA:D#PEACEYOWMA’AM). Di, pero Masaya talaga sya J.
          Pagka-uwi, ayun liwaliw na J. Pero nakanganga parin mga gagawin ko, HAHA :D. Okay na rin dahil pasok kaibigan ko sa Finals J. Goodluck sa kanya J. #HindiSilaNararapatNaHusgahanDibaSinabiKoNa? J.
          Oh, tama na muna to. Baka mabojak pa ako sayong blog ka pag nagkwento pa ako. HEHEHE J. Bye ! Mwaa :’*

#FeelingPogi


(Enero 20,2014,Lunes) 
          Oy ! Kamusta kana ? L pasensya na kung ngayon lang ulit ako nakapag-update ha. Naging abala kasi ako masyado eh J . Uso paba yung sorry poooooooooooooooooo …… HAHA :D
          Maiba tayo, Lunes ngayon. Sana naman ay maganda ang araw na ito. Palagi nalang kasi akong Highblood eh ;/.  Hindi ko alam kung bakit mabilis ako magalit. Pinaglihi ata ako sa sama ng loob. HAHA :D  #PEACEYOWMOTHER:P. Pero, mabuti naman at masaya ang araw na to ngayon. Dala ko pa kasi yung alaala ng kahapon. HAHA :D (Arte!may alaala ng kahapon pang nalalaman). Kasama ko kasi yung mga bagong salta kong kaibigan HAHA :D. Napakabait talaga nila J hindi sila nararapat na husgahan ng iba. At ayun, syempre maingay pa rin sa room pero onti lang. Dami ko pa tawa HAHA :D ewan ? siguro nga kasi masaya. Pagkatapos ng klase, huling ensayo na namin para sa sayaw namin sa Mapeh. Varsovienne yung sa amin, hay ! buti nalang eh kahit papaano naman meron na din kami. Bukas na to ! talo talo na HAHA :D.
          Ahem! Baka sabihin anong connect ng FEELING POGI sa araw na to. Wala lang naman. Natatawa kasi ako sa pagmumukha ko sa isang larawang hindi ko inaasahang ganun ang itsura J. HAHAHA :D. Sobrang dami ko pa palang dapat gawin. Hay ! hinga-hinga onti HAHA :D. O sya, paalam na muna ha L. Yan lang muna siguro ang machichika ko sayo echoserang Blog :P.
Blog: Hmp!  ;”(

Huwebes, Enero 9, 2014

#UnangArawNgPagsusulit (Ikatlong Markahan)

(Enero,9,2013,Huwebes)
          Una, nais ko munang humingi ng paumanhin sa aking Blog :(. Marami kasing dahilan kung bakit hindi ako nakakapag-upadate. Simula lunes ay may sakit na ako :(. Laging masama ang pakiramdam ko. Sa katunayan ay nagmumukha akong ewan dahil habang nag-aupdate ako umiiyak ako sa harapan ng computer :"(. Hindi ko na talaga kaya yung nararamdaman ko, madalas akong matumba tuwing tatayo ako. Pinipilit kong gawing masaya ang bawat mensaheng isinusulat ko sa aking Blog :'(. Naiisip kong magpahinga ngunit inaalala ko yung mga dapat kong gawin. Iniisip ko kung kaya ko pa bang tapusin o hindi. Habang ako ay nagsasagot sa aking pagsusulit talagang hindi na maganda ang pakiramdam ko. Tinanong pa ako ng aking guro kung nais kong kumuha ng gamot sa Clinic :(. Minsan pa'y pag natulog ako sa hapon, kinabukasan na ako magigising. Hindi ko alam kung ano ba tong nangyayari sa akin. Sobrang nahihirapan na ako, kahit ang pag-aaral ko ay naaabala na rin. Marami na ring nagsasabing pumunta na ako sa doktor :(.
          Hindi ko alam kung bakit naging ganito na ako palagi, dati hindi naman ako madaling magkasakit :'( hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako sa sama ng pakiramdam ko :(. Pero pipilitin ko pa ring tapusin yung mga gawain ko. Pasensya na talaga ha ? Pag nagkaroon na rin ako ng sariling computer siguro mas updated ako.
          Bukas huling araw na ng exam. Sana makapasok ako bukas :(. Maraming salamat sa mga nag-alala para sa akin. Masyado akong hirap ngayon kaya ganito ang repleksyon ko :"( pasensya na po.

#HappyNewYear :D

(Enero,1,2013,Miyerkules)
          Happy New Year Po :D. WOOoooo ! Ang ingay parang mga kaklase ko lang :P HAHA :D. Iwas paputok kaya kinalampag ko nalang yung gate namin :). Kahit kailan talaga laging masaya sating mga Pilipino ang pagsalubong sa bagong taon :).
         Pagsapit ng ala-dose :) Talunan na ! Ito yung hinihintay ng mga nabitin sa tangkad dyan eh ! HAHA :D, Natawa tuloy ako sa kaibigan ko, huwag na daw akong tumalon, ayaw daw nya na napapagod ako. Sya nalang daw tatalon para sa akin HAHA :D. Pagkatapos, nagpaagaw ng barya si papa :). Pagkatapos kasi ng pasko, bumalik sya ng Pangasinan tapos umuwi ulit siya noong 31 :). Grabe :( lugi ako sa paagaw. Syete pesos, hindi pa aabot pangbili ng C*** Mismo HAHA :D. Yung mga kapatid ko kasi ang hard umagaw eh.
          Kaso maaga ako nakatulog kasi inaantok na ako :D. Happy New Year ulit :D ingat :)

#INDAKGetTogether:) @SirNahs'House :D

(Disyembre 28,2013,Sabado)
          Kahapon palang ay katext ko na si Sir Nahs, inaanyayahan kami nila ate Pam at ate sa bahay nya kasami yung iba pang mananayaw ng INDAK :). Siguraduhin ko daw na makakapunta kami dahil padadagdagan nya ang pagkain.
Blog: Parang may nais iparating si sir Gie ;) - Haha :D oo alam ko lakas makaolay sakin nun ni Sir eh :).
          Dapat daw ala-una nandun na kami. Eh, Filipino Time kami eh, alas-tres na kami pumunta :P. Ang masaklap pa, hindi namin alam yung bahay ni Sir HAHA :D kaya sinundo nalang kami nila ate Robbie at Jayziel. Pagkadating namin, sinabihan kami nSir na hinga-hinga muna tapos palag HAHA :D ganyanan naman ang termino sa amin eh. Pero bongga, maayos ang bahay ni Sir kahit sya lang mag-isa. Ang dami nga talagang hinanda ni Sir. Syempre kwentuhang malupit nanaman kahit konti palang kami.
         Mayamaya dumating na sila Ma'am Ruth, Ma'am Carlie at ... at ... at ... si Sir Timbal. HAHAHA :D pagpasok palang ni Sir ang ingay na eh. Ayun, nagthrowback lang tungkol sa Tipulo Festival :) at sa mga pinaggawa namin sa grupo. Entertainer ang peg ni Sir, kahit kailan talaga masarap kasama yun :). Tapos may nilabas pa si Sir na pagkain, ipinagmamalaki nya yung Coffee Jelly nya :). Masarap naman talaga kaya dapat ipagmalaki hehe :).
          Maggagabi na ng napagdesisyunan naming umuwi. Sumabay na kami kila Sir Timbal. Sobrang saya ng araw na to :D Maraming maraming salamat Sir Nahs sa binigay mong oras para sa amin :) Godbless Sir Mwaa :'*

#MaligayangPasko :)

(Disyembre 25,2013,Miyerkules)
          Maligayang pasko :). Ang bilis talaga ng panahon, pasko nanaman :) parang kailan lang eh kakasimula ko palang bilang isang mag-aaral sa ikatlong taon. Kinaumagahan , pagkagising ko naabutan ko nang nagluluto si mama. Ang dami pang natirang pagkain kaya di ako nag-atubiling kumain HAHA :D. Naisip ko na hindi ito sayangin dahil may mga taong hindi nagkakaroon ng sapat na pagkain. Nagpapasalamat ako sa biyayang ito :).
          May mga bisitang dumating, mga kaibigan ni kuya Oliver kasama ang kanilang asawa at anak. Alam na kuya ! Hehe :). Bigay bigay din pag meron ha :P. Parang normal lang naman, pero masaya kasi nakauwi si papa kahit may sakit na sya :( namimiss ko tuloy yung pagdadating sya bubuhatin nya ako kahit sobrang bigat ko at malaki na ako :(. Ngayon eh pag titingnan ko si papa eh parang ang laki ng pinagbago, naging tahimik na sya. Dati kahit walang kwentang bagay pinag-uusapan namin. Pero masaya pa rin ako kasi kasama namin sya :). Nagagawa nya pang magtrabaho para sa amin, Kahit ang totoo ay hindi ako sanay na kasama sya. Sapat na sa akin yung isang beses syang umuwi sa isang taon dahil malayo yung trabaho nya.
          Ano ba naman yan, parang hindi pasko. Parang sumusulat ako kay G. Charo Santos  neto ha., HAHA :D. Ano to entry sa MMK ? Artista na nga kasi yan :P.
          Muli binabati ko kayo ng Maligayang Pasko :) ingat po palagi :) Godbless You :)

Miyerkules, Enero 8, 2014

#Congratulations Kuya :D (GABRIEL PROVIDO) #MagnaCumlaude

(Disyembre 21,2013,Sabado)
          Maaga akong nagising dahil excited ako ! :D. Graduation na kasi ni kuya Gabby. Isasama daw ako ni kuya Oliver sa Ynares. Alas-dose na nang dumating kami, grabe naman ang daming tao :(. Nakakabagot pa kasi ang dami pang magmamartsa kaya medyo matagal pa bago mag-umpisa. Taggutom din inabot ko dun ! HAHA :D, ang daming angal eh nu? Pero para sa kuya ko kakayanin ko.
          Nang awarding na :) unang tinawag si kuya :). Sobrang proud kami kasi Magna Cumlaude sya, meron pa syang ibang special awards. Iba yung pakiramdam nang makita kong nasa entablado si kuya habang tinatanggap ang kanyang mga parangal. Sobrang saya ko para sa kanya. Malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon,sa magulang namin at sa lahat ng taong naging bahagi upang makapagtapos ang kuya ko.
          Ngunit hindi na namin tinapos nila kuya Oliver at ate Marj ang graduation ni kuya, siguro ay bandang alas-singko ay umuwi na rin kami. Nang dumating na kami sa bahay, hinihintay ko naman si ate Pam. Nasa offiice kasi sya ni ate Lyka. Christmas Party kasi doon at kailangan ng magbabantay sa pamangkin namin. Ang tagal pa bago dumating :/ magiSportCenter pa kasi kami :). Kahit pagod gogora parin kami :P.

#JOGGING@SportsCenterMarikina(Sana may mapala) :P

(Disyembre 19,2013,Biyernes)
          At dahil wala ng pasok :) napagkasunduan namin ng ate kong chubby na si Pamela Provido na magjogging kami ng ilang araw sa SportsCenter. Bukod sa boring sa bahay, gusto rin namin maggala. Napakanormal na araw lang -.-.
          Alas-syete ng gabi nang kami ay umalis ni ate, kasama namin si kuya na pupuntahan rin ang kanyang kaibigan na taga-Marikina. Feel na feel namin nakabag pa kami na may lamang rubber shoes HAHA :D. Pagkadating namin dun, nameet namin sila ate Coleen yung nakilala nila sa SportsCenter rin, sa Fatima nag-aaral. Naglaro kami ng Volleyball :) si ate ewan ko na lang, ayaw sumali takot sa bola -.- tagadampot nalang. Mga alas-onse na ng gabi kaya naisipan namin na umuwi na ni ate. Habang hinihintay namin si kuya, nakakita kami ng malaking parol banda dun sa park ng Marikina. Nagpicture taking muna kami, ang tagal kasi ni kuya eh -.-.
          Nang dumating na si kuya, umuwi na kami. Nakakapagod man pero masaya naman :).