Mga Pahina

Sabado, Disyembre 28, 2013

#Christmas Party :D (III-Diamond)

(Disyembre 19,2013,Huwebes)
          MERRY CHRISTMAS :DDDDDDDDDD. Party party mga diyamante :P. Ala-syete na ng dumating ako sa aming paaralan. Aba'y kaygaganda't gagwapo ng mga mag-aaral sa Mambugan :). Pagkapasok ko ng silid aralan konti pa lang kami , ayun taman antay lang sa iba.
          Sinimulan namin ito sa panalangin at sa pagsasalita ng pinuno sa aming klase. Ay, ako pala yun, HAHA :D. Ayun, sinabi ko lang ang totoo na ang ingay ng pangkat namin ngayong taon. Ngunit nagpasalamat na rin ako sa mga pinagsamahan namin. Nagsagawa rin kami ng mga palaro. Pagkatapos ay nagexchange gift at nagsikain na.
          Bagama't simple lang ang party namin naging masaya naman ito at isang karanasang hindi rin namin malilimutan.

Sabado, Disyembre 14, 2013

#GalaGalaDinPagMaytime:D (LEVEL UP:Araneta To Pre :P) (#1Heart1Beat1VoiceBenefitConcertForYOLANDAVictims)

(Disyembre 14,2013,Sabado)
          Pasensya kana mahal kong Blog huli na ako nag-update ngayong araw. Masyado kasing maraming naganap sa buhay ko ngayon HAHA :D. May ensayo kasi kami para sa Filipino namin. Nagpunta yung mga kaklase ko dito sa bahay, siguro mga maghahapon na yun. Napag-usapan na namin yung gagawin namin konting ayos nalang. Tapos umuwi na sila :)
          May Lakad ako ngayon kasama ang ate Pam ko at si Casao. Mga alas-kwatro siguro kami umalis ng bahay, pero bago yan nakatikim muna kami ng ilang mga tama ng baril mula sa bibig ng aming magandang ina HAHA. Nanuod kami ng "BenefitConcert". HAHA :D (SayaMuchxD.  Kaya lang ang ingay ! HAHA :D
Blog: Natural ! May concert bang tahimik ? magtaka kung meron. Nung lumabas si Daniel Padilla nagmukhang Wild Zoo yung dome. (Tilian ng Hard). Ako tahimik lang eh, (Di po kasi kami ganun kaano ni ate kay DJ, pero hindi kami Haters:Dok?). Ang gusto ko talaga dun makita eh yung mga back-up dancers (Yung GFORCE), kilala mo yun Blog ?
 Blog: Oo yung mga mananayaw.
          Wiw, (Potowo syo) kakasabi lang na "Back-up Dancers" eh, Pero kahit back-up lang sila, Sikat na sila at mga propesyunal, kaya natutuwa ako sa kanila :). Bumili kami ng Popcorn hindi nagustuhan nito ni inday'Casao ang pangit daw ng lasa, lasang lupa daw. (Baka bagong ani yung PopCorn?HAHA :D). Bago yun, moderno na eh ! baka may ganun na ngang PopCorn. Tama na sa PopCorn ! Basta marami pang artista yung nandun. Si Coco Martin kumanta ng "Umuwi kana Baby". (Sabi ko naman "Oo uuwi na ako tatapusin ko lang yung concert!HAHA:D").
Blog: (Feelingera talaga tong tababoy na Vangie na to.)
          Hoy ! umayos ka ha ! Ako lang ba gumaganun sa dome ? (Syempre epek,epek lang yun!:P) Baka gusto mo di kita pakainin ha ! Blog !.
Blog: Di wag, Sige ikaw rin :P
          Hmp ! Tingnan mo to nanakot pa ! (Parang di mo naman ako mahal niyan,pagkatapos kita gawing account). Tama na ang sumbat :). (Kemekemehan Factor lang). Hayyy ! basta dami talagang nangyari,
Blog: (Kwento mo!:P Joke!).
          Papansin siya eh, Paano ba yan ? baka sa susunod ko na lang sabihin yung iba. Antok na ako eh ! Bye ! Good Mornight Blog na wilab :P

Biyernes, Disyembre 13, 2013

#Biyernes'Atrese :D (FridayThe13Th) (13MonthPay) :D HAHA ! (FeelingMayWork)

(Disyembre 13,2013,Biyernes)
          Ayunnnn ! HAHA Biyernes na ito ! (Talon na Friend) :D. Pagkapasok ko sa aming paaralan, tinawag nanaman ako ni Sir Nahs. Hindi pa rin daw kasi makakapasok si Ma'am Cerilo kaya magbabantay ulit ako :).
          Hmp :/ ! O-lay yung mga officers sa room :(. Paano ba naman kasi napagsabihan kami ni Ma'am Cabrera. Ang kalat kasi ng silid namin. Ilang beses ko naman tinuturuang magkusa yung mga kamag-aral ko pero bakit hindi sila makaintindi :(. Pero ayos lang ! kung ang bagyo nga may PAG-ASA ! Kami pa kaya ? HAHA :D. Katulad kahapon, masaya naman yung A.P namin :) malupit yun si Ma'am eh ! astig na cute pa.
          Tapos si Ma'am K'Pop na este si Ma'am Ganda Mixto. Binalikan lang namin saglit yung akdang tinalakay namin kahapon :). Pagkatapos, nagsagawa kami ng isang gawain kung saan gagawa kami ng sanaysay o salaysay tungkol sa pag-abot ng pangarap.
          At ito pa, malupit din ! HAHA :D ang galing ni Ma'am mag gitara. Cool kasi tingnan yung mga babaeng marunong mag-gitara eh !. Eto namang si Sir Mixto, halatang-halatang kinikilig hindi lang man  naitago kahit konti ! Haha :D (peaceyow sir).
         Uwian na ! :) may ensayo pa pala kami :) para sa presentasyon namin sa Filipino :). HAHA :D (laughtrip lang). Pero ayos na rin dahil marami na rin kaming napag-usapan tungkol sa gagawin namin. Sana ay maisagawa namin yun ng maayos. Ngayon lang ulit ako nakapag-focus sa gantong gawain. May practice din kami bukas.
          Wala ako sa mood ngayon -_- aysss. Bye Blog Labyowww <3

Huwebes, Disyembre 12, 2013

#Yes naman ! Anong araw bukas ? :D

(Disyembre 12,2013,Huwebes)
          Ano na Blog ? wag ka mag-alala nandito ako. HHMMM .. ang daming nangyari ngayong araw -_- sa sobrang dami nga eh wala akong maidakdak (alalahanin mo na Gie wag nganga :O). Ay ito pala meron na. Kay aga-aga eh ! narinig ko agad yung boses ng madaldal na si Sir Nahs ang malupit pa narinig ko yung pangalan ko sa kanya habang paakyat ako ng silid namin. Kadaldalan yung kaibigan ko. Madaldal din eh, si Erin. Kamusta naman ? edi nagsalpukan ang mga kwento nila ! HAHA :D. Pero may sadya talaga si sir sakin. Hindi daw makakapasok si Ma'am Cerilo kung kayat ako na lang daw muna ang magbantay sa mga hawak ni Ma'am sa Mapeh. Tapos kung ano-ano pa pinagsasabi ni sir. Iniingles pa kami. Basta, ang daming kwento ni sir. Di ko alam kung ano inalmusal nun kaya ganun :P.
           Ayun nga pagkatapos ng Chemistry, kailangan ko ng bantayan yung Garnet. Alam ko namang purgang-purga na yun sa pagmumukha ko dahil madalas ko silang bantayan sa mga ibang asignatura. Ayos lang naman sa akin na atasan ako ng aking mga guro sa mga bagay-bagay eh, katunayan nyan nagpapasalamat ako dahil sa tingin ko'y pinagkakatiwalaan nila ako. :'( (Drama ba ? isako na yan ! HAHA :D Penge ngang Tisyu). Mga ibat-ibang asignatura na rin siguro. Ayos lang lahat ! wag lang ano. Ano. Ano. Alam mo na yun eh (yung may numero tapos may letra! Oh diba?)! HAHA. Tapos ayun na nga.
          Yung A.P naman namin ngayon masaya pa rin. Binigyan ni Ma'am Cabrera ng sertipiko yung mga lumahok sa mga patimpalak. Pagkatapos ay tinalakay namin ang mga karapatang nilalabag sa mga kababaihan na siyang nagdudulot ng mga hindi kanais-nais na epekto (Haha!Malalim ba?San ko nahugot yun?).
Blog: Sa Balon.
          Speaking of Balon. Naman ! Filipino na, syempre sa balon pa rin kami este sa Akdang may kinalaman sa Balon. Masaya rin ang Filipino ! (Wow! proud). Haha :D may mga oras kasi na nakakatawa. Paano ba naman yung nasa harapan ni Ma'am Mixto si Omandac (awra palang nun pamatay na eh!JOKE). Tapos di lang pala magaling si Ma'am sa pagtuturo at sa K'POP (peace:''>) nag-FLIPTOP siya aba ! HAHA :D.
            Pagkatapos ! Ano pa Gie ? HAHA :D . Yung T.L.E naman binantayan ko na yung Amethyst. Pero bumabalik-balik ako sayang din eh. Kainis ang gulo-gulo pa sa amin "Welcome To the Jungle" ika nga ng marami :'(. At buti na lang gumana yung connector na ginawa ko ewan ko na lang pag epic fail yun ulit HAHA :D.
          Edi uwian na, pinag-iisipan ko tuloy yung tungkol sa "Jail Visiting" -_- kung sasama pa ako. Pagkauwi ko konting pahinga lang tapos gumawa na ako ng Portfolio sa Math :/ Hehehe :) nilagay ko lang yung mga di natapos. Pagkatapos, Values naman. Napapagod na ako eh, itutuloy ko na lang sa ibang araw.
          SALAMAT po pala Ma'am sa komento mo. Nakakatatss este (Nakakatouch) namiss ko po tuloy maging writer. Kaso Elem pa ako nun Ma'am eh ! Batibot pa. Hehe :)
         KINAKABAHAN AKO ! HAHA :D may quiz kasi bukas eh (sa ano kasi). OYYY ! Ingat tayo "Friday the 13th" daw eh .
          Goodnight Blog :) Choco Dreams. HAHA :D

Miyerkules, Disyembre 11, 2013

#I-Blog Mo na Yan ! :D

(Disyembre 11,2013,Miyerkules)
          Hello Blog ! nagugutom kana ba ? oh ito na nga mag-aupdate na. Maaga akong pumasok ngayon kasi maglilinis pa ako. Syempre, aral-aral ang peg. Pero ayos lang kasi masaya na din kahit papaano. Yung talakayan pa namin sa Araling Panlipunan ay makabuluhan :) Hoho onsoyo-soyo. Sinundan pa ng Filipino ! Boom ! Haha :D
(bawi yung hirap sa numero ppssshh ! tahimik ha :)). Tinalakay namin yung akdang "Kinagisnang Balon".
          BALON ? diba yung ano yun ! - yung pumuputok ?! yung nilalagyan ng hangin?.
Blog: Hindi "Balloon" naman yun eh.
(May pagka-mais ba? Sorry pooooo). Pero seryoso na nga, ang sumulat ng akdang "Kinagisnang Balon" ay si G. Andres Cristobal Cruz. Talakayan na. nag-ulat yung pangkat III.
          Pero, nung T.L.E na namin. Nag-init yung ulo ko -_-. Maingay na nga kasi tapos magulo pa yung practicum, hindi maisagawa ng maayos eh. O-layy din kasi ng konti ang hirap gumawa ng connector. Pero sa huli eh, maayos naman, salamat kay God at natapos.
          Pagkauwi ko naman. naghahanda na si Mama para sa meeting. Tapos, ang masaklap ! WALANG KANIN :(. Wala ring bigas mamalengke palang mamaya. Gutom si Bonjing'Vangie. Pero kaya ko naman nu ! HAHA :D, gawa gawa na lang ng gawain. Magpapasko na, gusto ko na magpahinga (Hindi yung ano ha!alam mo na yun).
          Tapos pumunta dito si Casao sa bahay :) daldalan lang naman kami nila ate. MA'AM MIXTO kamusta kana daw ? sabi niya. At kung may Autography 2013 ka daw po ? (tama ba?). Tapos yung gawain ko naghihintay ulit :).. Paalam Blog Goodnight :)

Martes, Disyembre 10, 2013

#Maaga uwian Pre ! :D

(Disyembre 10,2013, Martes)
         Himala ! Hahaha :D nakakapag-update pa ako sa mahal kong Blog :P. Salamat naman :). Ang nangyari lang naman ngayon eh -_- ano ba ? (makakalimutin talaga ko minsan). Maaga uwian namin ngayon :D sa wakas ! may nangyari ring ganto ! Joke :). May maikling programa kasing gaganapin. At ! ito ang bongga ngayong araw na ito. KAARAWAN ng mahal naming punungguro, si G. Rommel Beltran :). Siya ang tatay ng mga batang nag-aaral sa Mambugan National High School. Ang pogi-pogi po nyan :). Siya ang kauna-unahang lalaking naging punungguro sa paaralan namin. Ang totoo niyan eh, maraming natutuwa sa pamumuno niya. Napakabait kasi at maka-Diyos pa (oh diba?). At bihira lang din yung punungguro na malapit at marunong makipag-kapwa tao. At dahil jan ! Bigyan ng jacket si sir ! Haha :D (atin-atin lang to Gng.Mixto ha ! maganda ka naman eh:D)
         Ano pa ba ? bago ako umuwi nakipagdaldalan lang naman ako ng KONTI sa mga kaibigan ko. Namiss ko kasi sila eh ! di na daw ako nagpapakita sa kanila (busy daw ako lagi).
        Pagka-uwi ko naman, nagulat yung mama ko kasi kahit papaano nakapaghugas na rin ako ng plato ! Haha :D (may naitulong na sa bahay).
        Tapos gawa ng kung ano-ano. Yun lang, paano ba yan ? sa susunod ulit ha ! Goodnight Blog :) mmuuaah :'*

Lunes, Disyembre 9, 2013

Kamusta ang buhay kapag Lunes Gie ? :D

(Disyembre 9, 2013, Lunes)
          Lunes nanaman kaya't kailangan nanaman gumising ng mga bitin sa tulog na mga mag-aaral hanggang Biyernes. Hayy ! ang aga ko nagising dahil nakalimutan ko mamalantsa ng mga damit ko kahapon. At makikita ko nanaman yung mga magugulo ngunit masasayahing mga kaklase ko. Ayun, aral-aral ang peg. Nakakastress naman sa school, baka marami nanamang gawain. Yung practicum ko sa T.L.E eh di ko pa natapos. Pero itutuloy naman daw bukas eh :) kaya ayos lang. Bago nga pala iyan, nagulantang ako kay Gng. Morales tinanong niya kung sino yung mga gumawa ng essay tungkol sa ipinabatid niya noong nakaraang linggo pa ata yun. Eh, wala atang nakagawa kaya special mention pa tuloy kami nila Brite. Gumawa daw kami at hihintayin niya hanggang ala-una. Edi ayun, HAHA :D alam na. Pagkatapos ng klase namin gumawa ako agad ng sanaysay. Nakakahiya kasi kay Ma'am kung wala akong maipasa, kaya ayun sana maganda naman yung gawa ko kahit papaano :). Pagka-uwi ko nagpahinga lang saglit tapos bumawi ng tulog kahit konti. Hindi pa kasi ako nakakabawi sa puyat ko. Hehehe :). Pagkagising ko syempre kumain muna ako tapos ayan na ulit sila gawain hinihintay nanaman ako :)
         Pero salamat sa araw-araw Lord :) hindi mo ako nakakalimutang gisingin :) at alam ko naman na makabuluhan ang mga pagod ko. Salamat na rin at nakakapag-update pa ako sa Blog ko. Baka maging busy nanaman ako at mabulok nanaman ito ! Haha peaceyow Ma'am :) .
         Wala ka kanina ah ! :) Nabawasan ng isa yung mga bagets naming mga teacher. Eh, tama na ang daldal. Goodnight Blog :).

Sabado, Disyembre 7, 2013

Tag-puyat :P #KawayMgaEyebags:P

(Disyembre 8, 2013, Linggo)

Hahay ! maraming pasensya na sa aking mahal na Blog. Hindi ko na siya napapansin. Bukod sa mahirap magBlog ng walang computer eh busy rin kasi ako sa mga bagay-bagay -,-. minsan lang kasi tong laptop na ito dito sa bahay kaya, ayun. Hindi pa ako natutulog simula kanina pa hanggang sa sumikat na ang araw :). Tinatapos ko kasi ang aking mahalagang "Club Report". (Parang ang pangit ng pagkakawento ko?Haha:D)

          Maaga pa naman. Kaya ibabahagi ko na lang yung nangyari kahapon. Ano ba ? aahhh .. pumunta nga pala akong Cherry dun sa Hari ng Padala (LBC). Pero bago ako umalis pumunta yung iba kong kaklase dito (orozco,medalla,nuevas,nodado atbp.) Sadya nila yung tungkol sa "Endvaw Jingle". Kaya nang umuwi ako galing cherry, pinuntahan ko sila agad para makatulong ako sa abot ng aking makakaya. Pagkauwi ko naman sa bahay, umupo ako agad sa harap ng laptop ! at ayun ! type-type nanaman ng kung ano-ano :).

          Ganun lang umiikot ang araw ko, gawain dito, gawain doon :). Pero hindi naman sumasama yung loob ko pag may dumadating na mga ganito. Syempre, kailangan sa buhay eh. (Masama ang loob ko doon sa mga miyembro ko na hindi tumutulonhg sa akin ! Haha :D)

          Ayan na ! maliwanag na pala :) pero yung mga mata ko madilim na hahaha :D. Paano ba yan ? Hanggang dyan muna yung kwento ko ha ! ..

          May pasok na bukas. Sana makabawi ng tulog -,-