Mga Pahina

Biyernes, Nobyembre 15, 2013

Seryoso tayo dito. (O.O)


Repleksyon Blg. 1 (Oktubre 21, 2013)
Ngayong araw na ito, tinalakay namin ang akdang “Banaag at Sikat” mula sa panulat ni Lope K. Santos. Ang pangkat I ang naatasang mag-ulat nito sa klase. Iniulat nila ang mga tauhan at ang buod ng akdang ito.  Pagkatapos ay tinalakay din namin ang kahulugan ng Anarkista at Sosyalista. Ang Anarkista ay ang mga taong ayaw sa mga magagarbong seremonya. Ayaw rin nila ng pinuno. At ang Sosyalista naman ay ang mga taong nais ng pantay-pantay na karapatan ngunit ayaw nilang mawala ang pamahalaan. Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain .  Ang aming pangkat (IV) ay naatasan na ibigay ang salitang ugat, panlapi,  anyo at kahuluhan ng mga piling salita mula sa akda. Subalit , kami ay nakulangan ng oras sa paggawa kung kaya’t itutuloy na lang namin ito bukas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento