Mga Pahina

Biyernes, Nobyembre 15, 2013

Pag-uulat pa rin :D


Repleksyon Blg. 3 (Oktubre 23, 2013)
     Ngayong araw na ito, ipinagpatuloy namin ang paguulat ng aming mga pangkatang gawain patungkol pa rin sa akdang “Banaag at Sikat”. Ang aming pangkat (IV) ay naatasang paghambingin at bigyang reaksyon ang mga tauhan (Talia at Meni) batay sa kanilang ugali at paninindigan. Pagkatapos ay nagbigay ang bawat miyembro ng mga pangkat ng kani-kanilang komento. Nagbigay din ng ilang mga katanungan si Gng. Mixto tungkol sa akda. At ang teoryang nakapalood dito. Eksistensyalismo ang teoryang lumutang sa akda. Dahil ayon sa teoryang ito ang tao ang mismong humuhubog sa kanyang sariling kapalaran na siya namang nakita sa mga pangyayari sa akda. At binigyan niya kami ng takdang aralin kung saan kailangan naming magkaroon ng buod ng “Noli Me Tangere” at kilalanin ang dalawang tauhang sina Elias at Crisostomo Ibarra batay sa kanilang gawi,katangian at iba pa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento