Mga Pahina

Biyernes, Nobyembre 15, 2013

Pagwawasto :D


Repleksyon Blg. 5 (Oktubre25, 2013)
       Sa araw na ito ay aming iniwasto ang aming gawain tungkol sa dalawang tauhan ng “Banaag at sikat” na sina Delfin at Felipe. Sa “Noli Me Tangere” na sina Crisostomo Ibarra at Elias batay sa kanilang mga katangian, paniniwala, paninindigan, mga desisyon at mga balakin na makikita sa akda. Mayroon lang kaming maikling oras ngunit naiwasto naman namin lahat ng dapat naming iwasto.

Hala ! gulo-gulo na ? (okey lang masaya naman :P)


Repleksyon Blg. 4 (Oktubre 24, 2013)
       Tila yata sa araw na ito ay nagugulumihan kami. Hindi ko alam kung dahil ba sa naging palitan ng oras ng asignaturang T.l.e at Filipino o mga gutom lang talaga kami J . Ngunit naging masaya naman ang oras ng aming talakayan at marami pa ring natutunan.
       Binalikan namin ang teorya ng akdang “Banaag at Sikat”. At eksistensyalismo ang nakapaloob dito. Nagkaroon din kami ng gawain na kung saan paghahambingin namin ang dalawang tauhan sa “Banaag at Sikat” (Delfin at Felipe) (Crisostomo Ibarra at Elias) Noli Me Tangere batay sa kanilang katangian, paniniwala,paninindigan,mga desisyong ginawa at mga balakin. Ngunit nagkulang na sa oras kung kaya’t ang gawaing ito ay nagsilbing takdang aralin na lamang na aming iwawasto bukas.

Pag-uulat pa rin :D


Repleksyon Blg. 3 (Oktubre 23, 2013)
     Ngayong araw na ito, ipinagpatuloy namin ang paguulat ng aming mga pangkatang gawain patungkol pa rin sa akdang “Banaag at Sikat”. Ang aming pangkat (IV) ay naatasang paghambingin at bigyang reaksyon ang mga tauhan (Talia at Meni) batay sa kanilang ugali at paninindigan. Pagkatapos ay nagbigay ang bawat miyembro ng mga pangkat ng kani-kanilang komento. Nagbigay din ng ilang mga katanungan si Gng. Mixto tungkol sa akda. At ang teoryang nakapalood dito. Eksistensyalismo ang teoryang lumutang sa akda. Dahil ayon sa teoryang ito ang tao ang mismong humuhubog sa kanyang sariling kapalaran na siya namang nakita sa mga pangyayari sa akda. At binigyan niya kami ng takdang aralin kung saan kailangan naming magkaroon ng buod ng “Noli Me Tangere” at kilalanin ang dalawang tauhang sina Elias at Crisostomo Ibarra batay sa kanilang gawi,katangian at iba pa.

Pag-uulat :)


Repleksyon Blg. 2 (Oktubre 22, 2013)
Ngayong araw na ito , ay iniulat na namin ang aming mga natapos na pangkatang gawain. Pagkatapos ay  nagbigay ng mga komento ang iba sa aking mga kamag-aral.  Binalikan din namin ang akdang “Banaag at Sikat”. Pagkatapos ng pagpapalawak ng mga pangkatang gawain at ng akda ay nagkaroon muli kami ng pangakatang gawain. Subalit kulang na sa oras kung kaya’t ipagpapatuloy na lang naming ito bukas.

Seryoso tayo dito. (O.O)


Repleksyon Blg. 1 (Oktubre 21, 2013)
Ngayong araw na ito, tinalakay namin ang akdang “Banaag at Sikat” mula sa panulat ni Lope K. Santos. Ang pangkat I ang naatasang mag-ulat nito sa klase. Iniulat nila ang mga tauhan at ang buod ng akdang ito.  Pagkatapos ay tinalakay din namin ang kahulugan ng Anarkista at Sosyalista. Ang Anarkista ay ang mga taong ayaw sa mga magagarbong seremonya. Ayaw rin nila ng pinuno. At ang Sosyalista naman ay ang mga taong nais ng pantay-pantay na karapatan ngunit ayaw nilang mawala ang pamahalaan. Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain .  Ang aming pangkat (IV) ay naatasan na ibigay ang salitang ugat, panlapi,  anyo at kahuluhan ng mga piling salita mula sa akda. Subalit , kami ay nakulangan ng oras sa paggawa kung kaya’t itutuloy na lang namin ito bukas.

Oh, sugal layuan mo ako !


Repleksyon 7 (Nobyembre 7, 2013)
       Nagbalik aral sa akdang “Sa Pula Sa Puti”. Nagbigay din ng ilang mga katanungan si Gng. Mixto upang mas mapalawak pa namin ang talakayan dito. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng indibidwal na gawain kung saan kami ay gumawa ng isang lathalain tungkol sa pag-iwas sa pagsusugal. Dahil marami sa atin ngayon maging ang mga kabataan man ay nawiwili na sa pagsusugal.

Pasok mga artista :D


Repleksyon Blg. 8 (Nobyembre 6, 2013)
       Muli naming tinalakay ang akdang “Sa Pula Sa Puti”. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain. Ang aming pangkat (IV) ay naatasang isadula ang ilang mga pahayag na may kaugnayan sa akda. Ngayong araw ay natapos naman naming lahat ng dapat iulat. Kailangan ng yellow paper bukas J.

Makinig tayo :D


Repleksyon Blg. 7 (Nobyembre 5, 2013)
       Ngayong araw na ito nagkaroon kami ng maikling pagsusulit. Pagkatapos ay tinalakay naming muli ang akdang “Sa Pula sa Puti” at binigyan din namin ng mga mababaw na kahulugan ang mga matatalinhagang salita na makikita sa akda.

Sabado, Nobyembre 9, 2013

Pasukan na ulit :D .. (Tama na ang tulog -.- ZzzzzZZ)



Repleksyon Blg. 6 (Nobyembre 4, 2013)
       Tapos na ang isang linggong bakasyon kaya’t may pasok na kami ulit J. Ngayong araw na ito ay nasa ikatlong aralin na kami. Ang akdang “Sa Pula, Sa Puti” ni Francisco Soc Rodrigo. Ngunit, bago namin talakayin ang akda nagpaskil si Gng. Mixto ng mga larawan (mga larawang madalas makita sa sugalan, sabungan ). At nagbigay kami ng ilang mga paliwanag tungkol dito. Pagkatapos ay iniulat ng pangkat II ang nilalaman ng akda. Binigay nila ang mga tauhan at mahahalagang pangyayari. At ipagpapatuloy namin ang talakayan bukas J.